Nakakatawang Kwento

Minsan may isang taong gustong magkawanggawa kaya naisipan niyang magdonate ng dugo. Unang beses lang n’yang magdonate ng dugo kaya’t pinaghandaan niya ito ng mabuti. Nagpataba siya, natulog ng maaga, hindi uminom at umiwas sa drugs. Nagsakripisyo siya hanggang sa handa na siyang mag-donate ng dugo.

Maaga siyang gumising, malayo ang biyahe, para na siyang nagbisikleta papuntang Alabang galing sa UP. Pagdating sa lugar kung saan nagdodonate ng dugo, excited na excited siya.

Itinusok na ang karayom at lumabas na ang kanyang dugo. Ngunit balde balde na yung lumalabas, hindi pa rin tumitigil ang kumukuha ng dugo. Tinanggal niya ang karayom ngunit kumuha ang mga tao ng mga straw at inistraw ang kanyang dugo pati ang kahuli-hulihang patak sa kanyang hinliliit kinuha nila.

Pagkatapos, kung kailan halos wala na siyang dugo, iniwan na siya ng mga ito. Hindi man lang siya binigyan ng juice at biscuit. Hindi man lang siya tinanong kung paano siya uuwi.

Halos maiyak ang pobreng nagdonate ng dugo habang gumagapang siya pauwi. Minsan na nga lang siya gumawa ng mabuti, ganito pa napala niya. Pakiramdam niya ay tinatawanan siya ng mga kumuha ng kanyang dugo, dahil hindi ito mapupunta sa mga may hemophilia o leukemia, nanakawin lang ito ng isang grupo ng bampira at gagawing tsibog.

Gumapang ang pobre pauwi sa kanyang bahay at pagdating niya dun pinagalitan siya dahil nagoyo siya sa pagdodonate ng dugo. Dahil sa kanyang sinapit nagpalakas siya ulit ng katawan, nagpagaling, nagpadami ng dugo.

Bumalik siya sa lugar kung saan inistraw halos lahat ng kanyang dugo. Akala ng mga tao dun magbibigay siya ulit ng dugo, hinanda na nila ang kanilang mga straw.

Pero mali sila, binato niya ng bomba ang buong lugar, pinanood niya itong sumabog. Ngunit kasabay ng pagkatupok ng mga straw, nawala na rin ang tiwala niya sa mundo, hindi na siya magpapaabuso kahit kailan, hindi na siya magdodonate ng dugo.

Tags:
About these ads

~ by clarky08 on February 12, 2008.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: